Matagal na din pala
Gumising akong naiirita sa galaw ng tadhana. Ang akala kong “smooth” na umaga ay naging araw na ang bawat galaw ko ay nakakairita, na para bang pimple na gusto mo ng tirisin dahil ito’y nagpapangit sa mukha mong makinis at alagang alaga. Inis na inis ako buong umaga, inis akong maligo, inis akong maglakad sa initan, inis akong magwithdraw ng pera at inis akong sumakay ng dyip. Buti talaga hindi ako sumakay ng dyip, kung hindi mamimiss ko ang pangyayareng nakakatawa at nakakapagpabago ng umaga. Kwentong pato at babae, yun lang pala ang kailangan para mabaliktad ang umagang kay sama ng dating, salamat brad.